Sa kinauupuan ko, madaling makita yung mga dumadaan sa kalye. Maliit lang kasi bahay namin at nasa tabing kalye agad. Pag bukas mo ng main door, BANG! Nasa kalye ka na agad!
Kuha mo?
So, nagla-lunch ako, yung bintana nasa harap ko. Me dumaang babae--yung kasambahay ng isang kapitbahay namin. Pa-charming paglakad niya. Natawa pa ako--ang sexy naman nun maglakad--muntik ko pang nabuga yung food sa bunganga ko. Pababa siya sa kanto at palingon-lingon.
Mamyang konti, nakita ko naman si Professor Pekwa, pababa din. Di siya talaga professor--meron lang kasing mga tao na sa biglang tingin, mukang ganito o ganon. Lam mo yon? Sa case ni Pekwa, mukha siyang professor sa biglang tingin--kelangan bibiglain mo tingin mo.
Why "Pekwa"? Poker face kasi--di mo mahulaan kung anung kartada meron siya. Di ba Tagalog ng poker, pekwa? Tinanong ko minsan si Sir Tony, teacher sa isang school dyan, nung nakasabay kong kumain sa isang kainan dyan din sa ibaba (pagbaba mo sa kanto, andun yung kainan). Sabi niya, pekwa daw.
So, Professor Pekwa ang tawag ko sa kanya. Sa isip ko lang yun. Si Prof Pek.
Napa-kunot ang mga kilay ko--parang me milagrong gagawin si sexing kasambahay at si Professor. Me record na kasi itong si Sexy, at si Prof naman kilalang atchay killer sa village. Kaya napa-tayo ako sa maliit kong dining nook na malapit sa bintana at pinahaba ang leeg para sumilip sa bintana.
Ayun! Bullseye pre! Nagtagpo nga ang dalawa sa kanto (maghawak kamay pa) at tapos lumiko at nawala!
Umupo ako ulit, nagisip at nangiti. Iniling-iling ko ulo ko. "Kalokohan talaga," nasabi ko sa sarili.
Tapos eto na. Kakasubo ko pa lang ng masarap na adobo at kanin (OK pagka-luto ko nung adobo, nakatsamba), nakita ko naman sa bintana si Mrs. Pekwa--syempre, asawa siya ni Prof. Si Mrs. Pek. Nagmamadaling maglakad!
Naku, yari na! Sana naka-sakay na ng tricycle yung dalawa bago pa sila abutan ni Mrs. Pek. Di naman sa kampi o ayon ako sa kalokohan nila Prof Pek at Sexy, pero ayaw ko kasi ng gulo--lalo na domestic problems. E, lima pa naman mga anak nila Prof--pawang mga college na!
At for sure, pagnag-pangabot yan at nagwala sa kalye, mukhang lalabas ako para umawat. Matagal ko na kasing papel sa village yun--referee.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!