So punta kami next early morning gamit ng karagkaring pulang Volkswagen niya. Ilang oras din bago kami dinala ng oto niya dun. Malalaman mo kung malapit na kayo sa Indang--dumadami ang kagubatan at mga malalalim na ilog. Ga-bangin ang lalim. At malalaman mo din kasi hikahos na yung Volkswagen.
Tuwing tatawid kami sa tulay, sinusulyapan ko yung lalim ng mga ilog--parang Amazon River ang itsura nila. Me mga sawa or buwaya kaya don?
Finally, Indang Cavite! Malapit lang daw ito sa Tagaytay kaya malamig pag gabi.
Pinasyalan namin ang masukal na lupain nila Eddie. Puro kakawate at nagtataasang niyog. Me sawa kaya dito? Saglit niya kong iniwan sa kotse--pinasyalan niya ang kalapit na sabungan. Ako naman, enjoy ako pag naiwang nagiisang ganon---nakakapag-isip ako ng mga bagay-bagay at nakakapag-imagine about the place. I really love to imagine.
Bisyo ko yan.
Me dala din akong papel para magsulat at drawing ng mga nakikita ko. Wala pa kong blog noon kaya hard-copy diary lang.
Ginabi na si Eddie sa sabungan. Ako naman, tinitignan ko yung katapat na mansion at bumubuo ako ng istorya tungkol kunwari doon. Me mga dumadaang chicks sa kalye paminsan-minsan (ka dami palang mistisa sa Indang!), galing yata sa kalapit na mga pinyahan. Bukas daw pupunta kami sa pinyahan para kumain ng fresh pineapple. O, diba? San ka pa?
Anyway, bumalik na rin si Eddie sa kotse nyang bulok at dumaan kami sa palengke ng Indang. Ang daming isda. Ang lalaki! Ang dami ding mga panabas na taga. Naaliw ako sa mga panabas, mahilig kasi ako sa mga bolo at taga.
Tapos umuwi na kami sa ancestral home nila. Nagluto si Eddie habang nagi-istoryahan kami. Gusto ni Eddie pagusapan babae--mga babae niya nung kabataan niya. Gwapo kasi kaya madaming nahumaling daw sa kanya.
Most men are like that--they treat women as toys or trophies. Sa nakita ko kasi ke erpat at ermat ko, ang babae dapat ginagalang. Hehe, di nyo naman ako kilala kaya OK lang na magpasikat ako ng ganyan--na magalang ako sa babae. Pwera yabang yan.
Anyway, dumating din si Caloy, nephew ni Eddie. Tatlo na kaming nagi-istoryahan. Tawanan! Actually, mostly taga-tawa lang kami ni Caloy. Eddie did most of the talking--and bragging. Ganito eksena namin--si Eddie taga-bola, kami mga utu-uto kunwari.
Ang sarap ng kainan namin--nilagang baboy na ang daming gulay! Sarap ng gulay! Tapos, pumunta na kami sa tagiliran ng bahay at nagsimula nang mag-ihaw-ihaw para sa inuman nila. Tahong ang inihaw ko (ako ang tiga-ihaw), si Eddie ang nagkwe-kwento, si Caloy ang errand boy--bili ng ganito, abot ang ganon, kunin ang ganito. Walang humpay kasi mag-utos si Eddie.
Habang lumalalim ang gabi, lalong lumalamig. At sa background ng lumang bahay nila Eddie--yung tipong panahon pa nga ng kastila--para kang nasa shake, rattle and roll na movie. Palingon-lingon ako sa bahay at kapaligiran--you know, just in case.
Eto na, nagka-kwetuhan na ng katatakutan. Ang istoryahang Pinoy madalas nababanggit ang katatakutan. Dito lang sa Otcho, sa QC nato ha, pero madami ding kwento ng kababalaghan. Sa Indang pa kaya?
Tapos na kaming mag-ihaw-ihaw, kaya umakyat na kami dun sa balkonahe ng bahay. Tanaw namin ang malawak na kadiliman ng Indang--at me malaking paniki pang lilipad-lipad sa lugar. Galing yata doon sa lumang simbahan na abot tanaw namin. Ang tingin ko nga, mananaggal e.
Ang sabi nitong sila Eddie at Caloy, pag alas dose daw ng gabi, minsan me nagpapakitang babaeng naka-puti sa paanan ng hagdan ng balkonahe nila. Me binaon daw kasing kayamanan ang mga hapon doon. E bat di nila hukayin para ma-sure? tanong ko. Di daw nila sinisiryoso.
E tapos, pag-tingin ko sa relo ko, mag-a-alas dose na.
Tinignan ko yung paanan--WOW! Madilim at parang Ok ngang tambayan ng mga white lady. Tawa-tawa lang kami. Mamyang konti, nagka-yayaan nang matulog. Kanya-kanya kaming kwarto. Biro mo, lumang bahay na me lumalabas na white lady, tapos kanya-kanya kami ng silid. Ano to, lokohan?
Ang siste pa, exactly 12 ng gabi, nagising ako dahil naiihi ako. At ang CR andun sa ibaba--at kelangan kong bumaba sa hagdan ng balkonahe.
No comments:
Post a Comment
Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!