Wednesday, September 16, 2015

Kaya ang Yabang ni Epal

agimat.net
Ba't ang yabang ni Epal? Naka-meet ka na ng ubod yabang na tao, diba? Yung, ang yabang talaga pre! Kagaya ni Epal. Let's hide him in the name Epal.

Kumakain ako sa bagong Jollibee along Mindanao near Road 20 sa QC. Sarap ng Champ na binabanatan ko ng kagat nang dumating itong si Epal. Umupo siya sa mga friends niyang nauna sa kanya doon. Malapit lang sila sa kinauupuan ko kaya dinig ko harutan nila.

Pansin ko later, Epal was trying to do something. Mukha namang hindi sadya--kasi parang natural na sa kanya ang ganon--ang humanap ng butas or paraan pano niya mapu-prove na he was a lot better than the others. Pa-simple lang pero pag kasing talas ka ni KK (Kwentong Kalog), hindi makakalagpas sa ulirat mo.

So ganon siya. Pirmi siyang me ready unsolicited advices or comments na nagpaparamdam na magaling siya. Para bagang: "Hey, listen up guys! I'm the best! You need my advice! I deserve your admiration and applause!"

Kulang nalang sabihin niya: "Worship me!"

Pero sa totoo lang, yun ang dating niya. Gusto niyang masamba.

Pero, sige lang ako sa Champ ko. Ano ba paki-alam ko ke Epal, lalo't crunchy itong lettuce and tomatoes sa Champ ko? Di ko naman siya kilala. Kaya lang, ang prublema. ang lapit nila sakin at ang ingay ng ere ni Epal, I couldn't help but overhear everything.

Tignan mo conversation nila ha:

FRIEND 1: Guys, napanood nyo yung concert? Ang galing talaga nung tenor, no?
FRIEND 2: Sa Michigan pa daw nag-aral yun!
FRIEND 3: Actually, nabasa ko yung profile nya--madami na siyang na-compose na songs.
EPAL: Ako, madalas ako mag-tenor sa mga concerts namin noon, Di lang sa Michigan, almost all over the US and Europe pa. At ang dami ko na ring na-compose na kanta, man!

Naisip ko, so what? Who's asking about your accomplishments ba? Pero sige lang ako ng kain sa Champ.

FRIEND 2: O nga pala, yung concert nila Biboy sa Saturday na!
FRIEND 3: O nga--and malapit na daw ma-sold out ang tickets! Mga 100 ang capacity nung venue!
EPAL: Pag nagko-concert kami sold out ang tickets 3 days pa lang, and over 500 ang capacity ng venues namin!
FRIEND 1: Siguro manonood ako to get some ideas about concerts and choir singing. Di ko pa kabisado mga ganyan e.
EPAL: You don't go to concerts to learn choir singing. Mali yun pre. I've been doing concerts since I was a kid. Naalala mo yon, pre? Since I was a kid!
FRIEND 2: Oh? Napapanood mo na pala siya noon, pre?
FRIEND 3: Yes pre! galing nga niya e!
EPAL: No one among you had my experiences with concerts. I can show you guys how concerts are done right. Yung right ha, di basta-basta concert!

All of a sudden, parang tumabang yung Champ na kinakain ko. Pati yung pineapple juice ko pumait yata. Tapos, humina din yata yung aircon. Ba't parang gusto kong ihagis yung chair sa harap ko? Anyway, baka napa-praning nanaman ako. Sorry.

Mabuti pa siguro lumabas na ko. OK yung mga banat ni Epal. Dapat lumabas siya sa pelikula or mag compose ng song na ang title, "Here I Am!"

Actually, there are a lot of Epals around, people who habitually look for ways to show how superior or better they are than you. Sometimes, they even do it by putting you down. Ewan kung bakit sila ganon. Kasiyahan nilang gawin yun, at mamamatay sila siguro pag di nila nagawa yun. Boasting is oxygen to them.

Epal.

What do you do with Epals? Ano pa, edi intindihin nalang. Yun naman ang papel ng mga hindi Epal sa mundong ito--umintindi at tumahimik para yung mga Epals maka-bwelo sa yabang nila. Anyway, you always have the option to leave the Epal scene. :D

No comments:

Post a Comment

Stories about Project 8 in QC, lalo na sa Bahay Toro kung saan naroon ang Ocho Boys, malapit sa isang tricycle-lan, grocery at karenderia. Hanapin nyo minsan nang makaridinig kayo ng katatawanan. Tawa ka rin kasi minsan, pag me time!