|
fineartamerica.com |
Ano ginagawa mo pag wala kang pera? Ano feeling? Yun bang, lahat naman ginagawa mo para kumita--masipag ka naman--pero wala talaga. Mailap talaga ang pera. Ganon ka ba? Hassle no? At dumadating pa sa puntong nakakainis na.
Tanong mo sa sarili, ano ba prublema?
Ganyang-ganyan inilarawan sakin ni Sabas yung sitwasyon niya. Nagka-kwentuhang kalog kami kanina, nagsimula muna sa tawanan, pero mamyang konti nauwi sa siryosohang usap--tungkol nga sa financial life niya. Di ko alam na ganon na pala nangayayari sa kanya--bankrupt siya. Pero me work naman siya. Me sweldo rin. Yon nga lang, kapos.
Di ka ba naiinis sa idea na "kapos"? Ang hirap mag-work pero kapos pa rin ang kita mo.
Di ko rin siya mapautang o maabutan man lang. Sabi naman niya, di naman daw kelangan. Gusto lang niya ng me mahingahan (kala ko nga sabi niya "me mahingan" yun pala "me mahingahan" or release) para gumaang-gaang ang loob niya. Buti nalang--kasi wala rin akong pera. Kapag walang pera si Sabas, kelangan daw niya ng me kausap lang.
"Ang mabigat lang pag andyan na yung mga bills tapos wala ng gatas si baby at diaper. Nakakataranta lang," sabi niya, ngingiti-ngiti. OK naman siya sa tingin ko, nakakangiti pa e. At minsan pa-joke-joke pa. Kalog pa rin. Healthy naman pananaw ni Sabas sa buhay.
Naisip ko nalang painumin si Sabas. Niyaya ko siya sa tindahan ni Aling Lydia sa kanto. Andun sila Dagul, Totoy Golem, at Mr. Bean umiinom din. Mamyang konti, dumating din si Professor Pekwa at Pareng Babes. Kumpleto ang Kalog Boys. Umorder ako ng dalawang Fruit Soda. RC naman ang binabanatan nila Dagul, Totoy Golem at Mr Bean. Busog pa daw sila Prof at Babes. Kako sa sarili, OK to, mas masaya usapan at maaaliw si Sabas.
Nauwi usapan sa anong ginagawa namin pag wala kaming pera.
"Actually, pag wala akong pera umuutang lang ako ke Aling Lydia! Buti mabait itong financier ko!" sabi ni Mr Bean. React naman to the max si Aling Lydia. Ni-recite agad ang listahan ng utang ni Mr Bean sa kanya. "Oy Robinson! Kulang pa nga yang listahan na yan kasi yung iba hindi ko na nalilista! Hindi ako nagtayo ng tindahan para magpautang lang!"
Tawanan.
"Ako, liligid lang ako sa mga village-village at maghahanap ng bahay na ma-damo ang harapan. Sisingilin ko lang ng P100 per linis!' sabi naman ni Dagul. "Kaya sakin, pagpapala ng Diyos yang mga tamad maglinis ng harap nila. Nawa dumami pa sila. Actually, sa dami nila, regular na trabaho ko na to. Nakakabuhay na ng pamilya at nakaabot na rin sa college yung dalawang anak ko!"
"What!" nagulat si Pareng Babes. "Ganon ka laki kita mo dyan? At regular pa? E ganyan na rin gagawin ko! Ba't pa ko mag-se-sales?"
"E di kontra ka pala sa programa ni kapitan na
'Tapat ko Linis Ko'?" usisa ni Aling Lydia.
"Ano pa!" sagot agad ni Dagul. "Walang magawa yang si kapitan e! Pati negosyo ko pinakikialaman!"
"Alam nyo, pag kinulang kita ko sa palengke at wala akong pera, nagba-barker lang ako dyan sa terminal ng jeep sa labasan!" sabat naman ni Totoy Golem. "Sabihin mo lang sakin Sabas pag kelangan mo ng pera. Isasama kita mag-barker! Kaya lang dun ka sa kabilang terminal."
Nangiti lang si Sabas. "Hindi ganun ka-ganda boses ko, pre!" sabi niya.
Napa-tingin lahat kami kina Prof at Pareng Babes. Ano naman kaya gimik nila? "Kami naman, galing lang kami sa SC para magka-pera ng konti," sabi ni Prof.
"SC?" tanong ko. "Supreme Court? Pano kitaan dun?"
"Ano kayo, abugado?" sabi ni Totoy Golem. "Yung tiwali?"
"Scrap Center--yung bagong tambakan dyan sa labasan. Si Derek pala me-ari non," sagot ni Pareng Babes. Si Derek ay yung bago kong binansagang
"Cruel Driver" sa isip ko. Scrap pala business non. "Ba! Pera din kapag nakarami ka ng kalakal!" dagdag ni Prof.
Ako nalang at si Sabas ang di pa sumasagot. Hinihintay nila kaming mag-share. "Ako kasi online ang trabaho ko," finally, sabi ko. "Pag gusto kong gumawa ng extrang pera, gagawa lang ako ng mas madaming articles. Ganun lang. Pero nakaka-pagod din sa mata minsan!"
"Ong line? Parang Ong Bak?" tanong ni Prof.
"Online! Hindi Ong line" pagtuwid ni Mr Bean. "Oo nga, ganyan ang trabaho nitong si Jaden. Matalino yan e! (Nag-blush ako, syempre) Dapat mag-writer ka rin, Prof!
Prof ka nga e, di ba?" Biro naman ni Pareng Babes.
Tawanan uli.
Dahil tawag ko ke Vicente ay
Prof (binansagan ko siyang
Professor Pekwa sa isip ko kasi--pero di nila lahat alam yon. Ang alam lang nila,
Prof ang tawag ko
) nakiki-"Prof" na rin silang lahat ke Vicente. Tuloy, di na Vicente Almar pangalan niya sa lugar namin--Prof na. Basta sabihin mo lang "Prof" alam na ng mga tao yon.
"E ikaw, Sabas?" halos sabay-sabay nilang tanong. "Ano naman gimik mo pag wala kang pera?" tanong ni Aling Lydia. "Ano nga ba work mo?"
"Office work ako ate--di lang ako pumasok ngayon kasi wala nga akong pera." sagot ni Sabas. Saglit siyang nag-isip at saka nagpatuloy. "Maliit lang sweldo ko sa office. Pag walang pera...pumapatay ako."
Tumahinik lahat. Nagka-tinginan kami. Ano ito,
gun-for-hire? Nakita ko parang me iniisip sila Dagul at Totoy Golem. Pareho silang mga siga dati na tumigil na sa kalokohan at bumarkada nalang samin at namuhay ng normal. Parang bubwelo sila. Nakup, magkaka-gulo pa yata!
"I mean, pumapatay ako ng baboy. Natuto akong mag matadero sa tiyuhin ko noon sa Batangas." na-ngiti si Sabas. "Hindi na nga pala
pagkakatay ang tawag namin ngayon sa pagkatay ng baboy.
Pag-patay na, para maiba naman. Katuwaan lang namin sa Blumentritt yun. Sorry kung nagulat ko kayo," pagpaumanhin niya.
Naka-hinga kami ng maluwag.
Sumabat si Aling Lydia: "Akala ko talaga Sabas, mamamatay tao ka. Papayari ko sana itong si Mr Bean dahil ayaw magbayad ng utang niya!"